Banlik, putik na nagmula sa bundok ng Sierra Madre na bumaba sa Infanta kasama ng baha. Baha na kumitil sa buhay ng maraming tao hindi lang sa bayan ng Infanta pati na rin sa Bayan ng General Nakar at Real Quezon.
Ito ang St. Mark's Cathedral sa Bayan ng Infanta, Quezon. Pinasok din ng banlik ang loob ng simbahan kaya naman inilabas ang mga bangko upang malinis ito. Ang simbahan ng Infanta ay nasa kalagitnaan ng pinakang-bayan ng Infanta, Quezon.
Kulay brown at buha-buhangin kapag napahalo sa tubig ang banlik. Matigas kapag nahaluan ng mga kahoy at siit. Ito rin ang tumabon sa mga bahay, kalsada, tindahan at mga palayan at palaisdaan ng mga taga REINA.
Ito ang General Nakar makikita mong balot na balot sa putik ang lugar na ito palibhasa na papalibutan ng Sierra Madre. Dating palayan(ricefield) ang kulay brown na lugar na yan subalit ngayon ay naging banlik na. 
Sa pinakang-bayan ng Infanta ito naman ang makikita mo bago ka makarating sa bayan. halos walang madaan ng tao, nawala na rin ang semento o ang kalsada dahil sa banlik. Napalitan na ito ng mga nagkalat na basura, gamit sa bahay, kahoy, putik at banlik.
Maraming tao ang may karanasan hindi makakalimutan na dala ng banlik, kaya naman ginawa ko ang blogs na ito. Sana mag-enjoy ka sa pagbabasa mo sa mga samut-saring kwentong napapaloob sa kin blogs.
No comments:
Post a Comment