Famous Pick Up Lines ng mga Guys sa Pinas!!!

Guy: Miss, hindi ka pa ba napapagod?
Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko.


Guy: Mahilig ka ba sa crayola?
Ikaw kasi nagbibigay kulay sa buhay ko.


Guy: Naniniwala ka ba sa love at first sight?
O gusto mong dumaan ulit ako?


Guy: Uy picture tayo!!
para ma-develop tayo!!


Guy: Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
hinde, para lagi kita mamimiss..


Guy: Can i take your picture??
coz i want to show Santa exactly what i want for christmas!!


Guy: Centrum ka ba??
kasi you make my life complete!!


Guy: Miss pwede ba kita maging driver??
para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..


Guy: Mahilig ka ba sa asukal??
ang tamis kasi ng mga ngiti mo..


Guy: Pinaglihi ka ba sa keyboard??
kasi type kita..


Guy: I hate to say this but… You are like my underwear..
coz i can’t last a day without you!!


Guy: Ibibili kita ng salbabida..
kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..


Guy: Pwede ba kitang maging sidecar??
single kasi ako eh..


Guy: Me lisensya ka ba??
coz you’re driving me crazy eh..


Guy: May kilala ka bang gumagawa ng relo??may sira ata relo ko..
pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko..


Guy: I’m a bee..
can you be my honey??


Guy: Nakakatakot diba ang multo??
pero mas nakakatakot kapag mawala ka sa buhay ko..


Guy: Am i a bad shooter??
coz i keep on missing you..


Guy: May lahi ka bang aswang??
feeling ko kasi ikaw yung other half ko eh..


Guy: Naniniwala ka ba sa love at first sight??
O gusto mong dumaan ulit ako??


Guy: Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..


Guy: Excuse me.. Are you a dictionary??
because you give meaning to my life..


Guy: Bangin ka ba??
nahuhulog kasi ako sa’yo..


Guy: Pustiso ka ba??
kasi, can’t smile without you..


Guy: Pagod na pagod ka na noh??
maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh..


Guy: Me butas ba puso mo??
kasi! natrap na ako sa loob, can’t find my way out!!


Guy: Anung height mo??ha??
pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..


Guy: Hey, did you fart??
coz you blew me away!!


Guy: Sana “T” na lang ako..
para i’m always right next to “U”


Guy: Are you Jamaican??
kasi Ja-maican me crazy!!


Guy: Nde tayo tao..Nde tayo hayop
BAGAY tayo BAGAY tlga tayo!!!


Guy: Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines noh?? hahaha! May alam ka pabang iba?? Wala na akong maisip eh..coz all i ever think of is you..


Yan na po ang collection ko...heheheh

Talasalitaan

Ito ang mga listahan ng salitang karaniwan mong maririnig sa Quezon.


Ginawa ko ito para makatulong sa pagbabasa at pag-unawa kung meron man akong ma-isulat na ganito sa aking blogs. First Set pa lang to ng mga salita ng Quezon, ginagawa ko pa lang ang pangalawa.

Banlik - putik na galing sa bundok. Magkahalong buhangin at lupa nakapag
sumama sa tubig ay nagiging malapot na putik.

Dayag - Magligpit ng pinagkainan. (Sa parteng Rizal katumbas ng) Mag-urong.

Banggerahan - Lababo. Lugar kung saan nagliligpit, nagdadayag o nag-uurong.

Busyat - Nabutas, butas

Itsa - Hagis, tapon

Balibag - katulad ng hagis, itsa

Yabog - Palo, papaluin ng magulang kapag may nagawang kasalanan ang bata

Akrab - Katulad ng akyat at adyo.

Lumpat - Talon, Lundag

Kagkag - Nagmamadali

Tigkal - Dumi, nakadikit na dumi sa leeg o sa ibang parte ng katawan

Kidya - Sintones (sa Cavite), Kalamunding (sa Pampanga) Kalmansi (Tagalog)

Kayat - Tumutulo, Nagtutulo (hal. Laway na nagkakayat)

Kayas - Paglilinis sa kahoy o kawayan upang maging makinis.

Bang-bang - Kanal na daanan ng tubig

Bas-ig - Pilapil

Sibig - Uwian, Uwi, paglabas galing sa school, o opisina

Ambon - Mahinang ulan, mas malakas sa Tagiti

Tagiti - Mahinang ulan, mas mahina sa ambon

Sireno - Mas mahina sa tagiti. Parang hamog.

Tugpo - Mapapasma ka kapag natugpuan ka. Mas mahina sa Sireno at tuwing
hapon lang nangyayari.

Baynos - Ginagawa sa mga taong may lagnat. Pang-ultimatum. Kapag binaynosan
ang tao hindi ito pwedeng mabasa kinabukasan.

Yakag - Pag-yayaya pauwi

Tiringki - Gasera o ilawang maliit na ginagamitan ng gaas

Bunsol - Ilawang ginagamitan ng gasera. Ang kaibahan ng bunsol sa tiringki ay
kailangan mo itong ituwad kapag humihina na ang apoy nito.

Kadipot - kakaunti

Usli - May naka-ultaw ng kaunti. May kaunting nakalabas

Barano - Sa alak (lambanog) hindi masarap ang lasa, Lasa pang suka (tuba)

Bugsok/Abubot - Lalagyan ng Nganga, lalagyan ng pera. Maliit na lalagyan nang
kung ano anong bagay.

Salab - Pagluluto ng isda, atay etcetera, sa dahon ng saging.

Tuok - Nasobrahan sa ihaw. Nangitim na sa pagkakaihaw.

Maraguso - Ampalaya

Sibad - Kapag namimingwit ito ang ginagawa ng isda kapag ang isda ay kumagat sa biwas.

Bubon - Balon na kuhaan ng tubig. Pwedeng kuhaan ng inumin.

Agipo - Abo. Abo ng uling o abo ng sigarilyo.

Tagil-aw - Nagaganap kapag kabilugan ng buwan. Neutral na level ng tubig.

Ta-ib - High Tide

Hibas - Low Tide

Balubi - murang buko, uhog

Labit - Dala sa pamamagitan ng kamay

Pasaka - Pauwi. Kung sa mga tao na nakatira sa bundok ito ay pauwi.

Lusak - Putik

Baong - Mabahong amoy na galing sa nabubulok na bagay.

Maanta - Yuck!!! Hindi mo na makain.

Magayot - Matigas na makunat (sa kamote o sa galyang)

Mayabo - Malinamnam (sa kamote o sa galyang)

Mapahang - Ma-anghang, Mahalang

Timo - Tumalab

Tabsing - Maalat-alat na tubig.

Madasi - Maalon

Hukluban - Matandang gusgusin, Matandang pulubi

batilan - Masel-masel

Butilaw - hilaw na sinaing

Ipa - Darak

Linggating - Langgam, Karag, guyam

Ngor-ngor - Corn bits, Timbora, Gorgorya

Lapang - Kain, pagsugod sa pagkain

Hamo-hamo - matakaw, masiba, ayaw magtira ng pagkain

Lustak - Pagkain nasobrahan sa luto

Rekado - Lahok sa gulay, sa karne (hal. bawang, sibuyas, o karne)

Haras - Ginagamit sa pagtatabas ng damo o sa palayan. parang itak magkaiba lang ng hugis.

Kampit - Kutsilyo

Halas - Kati-kati, parang bungang araw

Utas - malapit ng maputol, Yari ka!

Ligting - Ipit na ipit, nasakal

Bislay - Pana na gawa sa tangkay ng payong.

Dilos - Bangka na walang pakaway, Baruto

Sombi - Lugar sa bahay na siyang pinagtataguan ng mga gamit. Pinakang bodega ng mga bahay.

Kapaya - Papaya

kamagong - Mabolo

Yabat - Palo, Yabog

Kudlit - Paghiwa ng kaunti sa balat o kahit saan

Banto - Pagdadag-dag ng kaunti. (hal. pagdadagdag ng kaunting tubig sa ininit)

Isod - Usog, pag-urong ng kaunti

Balatik - Ginagamit sa paggawa ng tirador

Ladot - kapirasong retaso

Maruso - Magaspang

Lasik - Umitsa ng malayo. Humagis ng malayo.

Balibag - Bato, Pagbato

Sutil - Makulit. Taong mahilig mang-asar lalo na at naaasar ang inaasar.

Aninaw - Pilit na tinitignan at minumukhaan.

Bulaan - Hambog, sinungaling

Piyapi - punong kahoy na makikita sa ilog

baktod - Dala sa balikat

Kabkab - Malaking palaka na mahuhuli sa bundok

Ilaod - Pagpupunas ng puwit sa sahig

Sulo - Hindi makakita

Hornal - Trabahong mabigat. Pagbubuhat ng mga bagay

Panglaw - Takot

Sana makatulong sayo kung nagbabalak kang magbakasyon sa quezon.

Infanta Flash Flood

Banlik, putik na nagmula sa bundok ng Sierra Madre na bumaba sa Infanta kasama ng baha. Baha na kumitil sa buhay ng maraming tao hindi lang sa bayan ng Infanta pati na rin sa Bayan ng General Nakar at Real Quezon.
Ito ang St. Mark's Cathedral sa Bayan ng Infanta, Quezon. Pinasok din ng banlik ang loob ng simbahan kaya naman inilabas ang mga bangko upang malinis ito. Ang simbahan ng Infanta ay nasa kalagitnaan ng pinakang-bayan ng Infanta, Quezon.
Kulay brown at buha-buhangin kapag napahalo sa tubig ang banlik. Matigas kapag nahaluan ng mga kahoy at siit. Ito rin ang tumabon sa mga bahay, kalsada, tindahan at mga palayan at palaisdaan ng mga taga REINA.
Ito ang General Nakar makikita mong balot na balot sa putik ang lugar na ito palibhasa na papalibutan ng Sierra Madre. Dating palayan(ricefield) ang kulay brown na lugar na yan subalit ngayon ay naging banlik na.
Sa pinakang-bayan ng Infanta ito naman ang makikita mo bago ka makarating sa bayan. halos walang madaan ng tao, nawala na rin ang semento o ang kalsada dahil sa banlik. Napalitan na ito ng mga nagkalat na basura, gamit sa bahay, kahoy, putik at banlik.

Maraming tao ang may karanasan hindi makakalimutan na dala ng banlik, kaya naman ginawa ko ang blogs na ito. Sana mag-enjoy ka sa pagbabasa mo sa mga samut-saring kwentong napapaloob sa kin blogs.