Gradweyt

Isinulat ko ito bago ang graduation namin.

Ang bilis talaga ng panahon. Malapit na naming iwan ang Northern Quezon Cooperative College (NQCC). Ilang panahon pa, magiging alaala na lang kami dito. Pero saan man kami magpunta, ang malulungkot at masasayang alaala ay palagian naming magiging dala-dala. Hindi namin makakalimutan ang mga taong naging bahagi ng aming buhay. Mga gurong gumabay sa amin sa makalipas na dalawang taon.

"This is your teacher for today, signing off!" Magulo na naman ang loob ng classroom. May nag-reretouch ng make-up, lipstick, polbo, and nagpapabango. "May assignment ka na ba sa Steno?" tanong ng ibang mag-aaral. " Nasagutan mo na ba yung assignment natin sa Economics?" Hay, naku!!! Magulo na naman ang mga kaklase ko. Alam ng assignment sa school pa rin gagawin, eh ano bang ginagawa nyo pag-uwi ng bahay? Nag-gagala maghapon? Tumatambay? Nagbabasa ng Pocket Book? Nanood ng Teleserye? Sigurado ko na isa jan sa mga yan ang ginagawa mo pagkadating galing sa school.

Malapit na nga pala ang finals, pang ilang permit ko na ba 'to? Ah, pang walo na pala. Gradweyting na nga pala ako. Ang bilis talaga ng panahon, halos naaalala ko pa noong katutuntong pa lang naman dito sa NQ'.

"Iyong mga kamay nyo! Right Thumb ang gamitin sa space bar. Single space after comma and double space after period! Straigh body!" Iyan si Mrs. For Example ang masugid naming Gurong tagapayo na nakasubaybay sa amin sa loob ng dalawang taon. Sya ang gurong walang sawang sumubaybay sa lahat ng kakulitan, kalokohan, kasiyahan at pati na rin sa kalokohan ng klase. Kaya naman ng maghihiwalay na kaming lahat eh, nagkaiyakan pa sa open forum. Lahat halos sa klase ay umiiyak, syempre pati ako.

"Ok, ito ang quotes natin for today" Yan naman si Mr. Slacks. Gwapings, cute, gwapo yan ang karaniwan kong naririnig sa mga kaklase kong babae. Sabagay may itsura nga siya (Tae nga my itsura eh... jowk!!!!) Kahit kelan ata hindi ko sya nakitang nagmaong na pants lagi sya naka-slacks kaya naman napapagkamalan naming jokla...hehehe

"Article 12 states that..." Iyan naman si Mr. Constitution. Balita ko isang sem na lang ang kulang nya para maka-gradweyt, pero di nya nagawa (bakit kaya? anyways) No comment na ako jan..

"Ok, lahat ng lesson natin , ico-compile for finals" heheh.. Sino ba naman ang makakalimot sa Kikay na titser na ito. Sya si Ms. Nokia. Idol ata nya si Mariel Rodriguez, araw araw na lang para syang nagmomodel ng mga damit. Minsan nga kala ko kurtina suot nya un pala palda talaga un. Hehehe.

Sino pa bang hindi ko naisama sa kanila? Ah, si Ma'am Patience na silent type pero pagdating sa pagtuturo magaling. Si Mrs. CPA, na walang ibang alam ituro kundi debit, credit. Turo lang sya ng turo kahit na may mga estudyante na syang natutulog sa likuran. Pano, nakakabaliw ang subject nya nakaka-antok pa. Si Mr. Family Planning pala..hmmmmmmmmm no comment.

Marami pa pala akong hindi naisama sa kanila na malaki rin naman ang naiambag sa paghubog sa amin para sa pagharap sa tunay na mundo.

Malapit na naming matapos ang mga projects, term paper, clippings, at marami pang iba. Nangangahulugang malapit na rin namin iwan ang NQCC. Iiwan na namin ang mga paggawa ng assignment, pagpapractice ng role-playing at folkdance. Kasabay noon ang pagpapaalam namin sa mga naging kaibigan sa loob ng paaralan. Kaya sa lahat ng NQ'ers maraming salamat at naging bahagi kayo ng buhay ko.

No comments: